Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng Veterinary Medical Mission sa Barangay San Ramon, Manaoag, Pangasinan noong ika-04 ng Mayo taong kasalukuyan.
Ang Provincial Veterinary Medical Mission ay bahagi ng Abig Pangasinan Program na naglalapit ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Pangasinense.
Naghandog ng 179 anti-rabies vaccination, 136 deworming, 109 vitamin supplementations, at 45 neutering para sa mga alagang hayop sa nasabing barangay.
Ang naturang aktibidad ay naglalayong makapagbigay ng karagdagang proteksyon sa mga alagang hayop at maging sa mga nag-aalaga para maiwasan ang mga sakit at rabies na dulot ng kagat ng hayop.
Makatutulong din ang programa sa pagtuturo ng wastong pag-alaga ng mga hayop.
Source: https://www.facebook.com/100064293025356/posts/372911001528664