Nakatanggap ng cash assistance ang halos 3,000 drayber ng pampublikong sasakyan mula sa pamahalaan ng Batac, Ilocos Norte noong Mayo 4, 2022.
Ayon kay Athena Nicolette Pilar, Administrative Officer 5 ng Metro Ilocos Norte Council (MINC), naglaan ang pamahalaan ng Ilocos Norte ng mahigit Php8,000,000 sa nasabing mga kwalipikadong drayber ng bayan ng Batac.
Ang mga nasabing drayber ay nakatanggap ng Php3,000 cash assistance at Php1,000 gas voucher naman para sa mga piling gas station.
Sila din ay makakatanggap ng car accident insurance na nagkakahalaga ng Php5,000 sa isang taon.
Bukod dito, may 10% discount din ang mga drayber sa anumang uri ng gamot na bibilhin sa mga botika.
Layunin nitong makakatulong sa mga drayber na lubos na apektado sa labis na pagtaas ng gasolina at mga pangunahing bilihin lalo na nitong panahon ng pandemya.