Ang Nueva Ecija Electric Cooperative o NEECO I, NEECO II Area 1, NEECO II Area 2, at ang San Jose City Electric Cooperative o SAJELCO ay naghahanda na para sa Halalan 2022.
Ito ay alinsunod sa inilabas ng National Electrification Administration o NEA ng Memorandum No. 2022-23 na kung saan inihahanda ang lahat ng electric cooperatives sa buong bansa.
Layunin nitong maiwasan ang biglaang pagkawala ng kuryente sa mismong araw ng halalan.
Ang ilan sa mga paghahanda ay ang pag-aayos ng linya, transformers, mga lumang poste at substations at pag-aalis ng mga nakasabit na mga sanga ng puno sa kable ng kuryente.
Sa Mayo 5, magsisimula na ang 24-hour Power Situation Monitoring o dalawampu’t apat na oras na serbisyo ng NEECO at SAJELCO hanggang sa pinakahuling araw ng bilangan.
Ayon sa tala, ang probinsya ng Nueva Ecija ay may mahigit 1.5 milyong rehistradong botante sa nalalapit na Mayo 9, 2022.
Source: Nueva Ecija TV48