Ang Higanteng Estatwa ng Agila ay isang kahanga-hangang istraktura na itinayo sa hangganan ng Barangay Lias Silangan at Barangay Chupac, Barlig, Mountain Province.
Ito ay may taas na mahigit 1,800 na metro mula sa bukana ng dagat.
Ito ay nagpapahiwatig ng isang larawan ng pag-asa para sa konserbasyon ng kagubatan, pangangalaga ng wildlife at integridad ng kultura sa pagsulong ng luntiang bayan.
Sa mismong lugar ng estatwa ay matatanaw ang mga natatanging kagubatan ng parehong barangay kabilang ang malalayong kabundukan ng Kalinga at Ifugao.
Ang mga kagubatan na ito ay ilan sa ilang natitirang sinaunang kagubatan sa Pilipinas dahil ang karamihan sa mga lumalagong kagubatan ay nawala na dahil sa pagtotroso, pagmimina, at komersyal na agrikultura.
Naging sikat na atraksyon ito sa bayan hindi lamang dahil sa ito ay kahanga-hanga kundi pati na rin sa mga nakamamanghang tanawin sa paligid nito. Hindi lang ito makikilalang isang landmark lamang, dahil ang istraktura ay puno ng kultural at makasaysayang halaga.
https://danielsecotravels.com/philippine-eagle-statue-erected-in-barlig-sparks-hope-for-conservation