14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Road Improvement Project isinagawa ng DPWH sa Daang Maharlika ng Nueva Ecija

Nagsagawa ng road improvement project ang Department of Public Works and Highways sa Daang Maharlika ng Nueva Ecija.

Ang Daang Maharlika ay may layong 2.993-kilometer patungo sa mga nayon ng Tabuating, San Leonardo, Nueva Ecija.

Ang proyektong ito ay pinondohan ng Php115.68 million sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act para sa pagkonkreto ng mga kalsada, pagtatayo ng mga sidewalks na may gutter, at ang pagpapabuti ng drainage system sa mga national road.

Layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero at motoristang dumaan-daan sa kalsadang ito.

Ayon sa taunang average na pang-araw-araw na bilang ng trapiko ng DPWH, may kabuuang 22,546 na sasakyan ang dumaan sa bahagi ng Barangay Castellano ng Daang Maharlika noong 2020 kaya kabilang ito sa mga pinaka-abalang network ng kalsada sa Central Luzon.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1172726

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles