Umarangkada na ang 22 units na Modernized Public Utility Vehicles (MPUV) sa City of San Fernando, La Union nitong Biyernes, Abril 22, 2022.
Ang mga sasakyan na ito ay inilunsad sa La Union Transport Multi-Purpose Cooperative (LUTRAMPCO) Grounds, Bacuit Norte, Bauang, La Union noong April 19, 2022 sa pakikipagtulungan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Genesis Auto Corp. Hyundai Bus & Trucks at Cabanatuan City Branch President Dennis P. San Juan.
Ito ay 22-seater modernized jitney na pauna lamang sa target na 35 units para sa probinsya ng La Union.
Ang biyahe ng mga sasakyan ay mula San Fernando City hanggang Naguilian, La Union at vice versa.
Nagpahayag ng pasasalamat si Dr. Pio M. Soriano, Chairperson LUTRAMPCO sa mga ahensya ng gobyerno at sa Provincial Government ng La Union sa patuloy na pagsuporta sa mga pampublikong sasakyan.
Layunin nitong magbigay ng pangkabuhayan sa mga drayber na naapektuhan ng pandemya at tiyaking ligtas at kumportable ang mga biyahero sa modernong sasakyan na ito.