Sumuko sa gobyerno ang dating miyembro ng Militiang Bayan ng Nueva Ecija sa Barangay Planas, Porac, Pampanga noong Abril 15, 2022.
Si Ka Pio ay dating kaanib ng Militiang Bayan NPA sa Baryo na nakatalaga sa Aliaga, Licab, Quezon, Bongabon, at Gabaldon Nueva Ecija mula taong 2015 hanggang taon 2019.
Sumuko si Ka Pio sa pakikipag-ugnayan sa Regional Mobile Force Battalion 3, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, Nueva Ecija Police Provincial Office at Criminal Investigation and Detection Group Pampanga Provincial Field Unit.
Isinuko din ni Ka Pio ang limang unit ng caliber 22 rifle, dalawang Gauge shotgun, tatlong caliber 38 revolver, iba’t ibang klase ng bala at mga importanteng dokumento mula sa hukbo ng teroristang NPA.
Ang pagsuko ng dating rebelde ay patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya kontra terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF- ELCAC.
Layunin nitong mabigyan ng mga pangunahing serbisyo ng gobyerno ang mga mamamayang nalilihis ang landas dahil sa matamis na pangako ng mga terorismo at ipadama na mas tahimik at maayos ang buhay kapiling ang pamilya kung sila ay sumuko.