Ginanap ang Tagnawa 2.0 School Edition (Fisheries Scholarship Program Orientation cum Info Caravan) na may temang “Pagtitipon ng mga Kabataan para sa Katatagan at Kaunlaran ng mga Baybaying Kumonidad sa Rehiyon Uno” na pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region I nito lamang Lunes, May 19, 2025

Dinaluhan ito ng mga kabataan na kasali sa scholarship program at mga kawani ng BFAR R1, Department of Agriculture R1, at LGU Alaminos City.
Layunin ng FSP na palakasin ang fishing industry sa Rehiyon Uno, kung kaya’t mayroong scholarship program ang BFAR para sa 26 na benepisyaryo na kukuha ng fishery course.
Buo naman ang suporta ng LGU Alaminos at Agricultural and Biosystems Engineering Office .
Ang nasabing programa ay malaking tulong para sa mga kabataan na gustong kumuha ng kurso.
Source: LGU Alaminos City