Matapos ang halalan, sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang province-wide clearing operations laban sa mga campaign materials na naiwan sa mga puno, poste, at pampublikong lugar simula Huwebes hanggang Sabado ika-18 ng Mayo, 2025.
Sa utos nina Gov. Delta Pineda at Vice Gov. Nanay Pineda, pinangunahan ito ng PG-ENRO at GSO kung saan tatlong mini dump truck at isang pick-up ang umikot para magbaklas at maghakot ng election paraphernalia sa mga bayan ng Sasmuan, Lubao, Guagua, at Bacolor.
Ito ay alinsunod sa Section 30 ng COMELEC Resolution No. 11086 na nag-aatas ng limang araw na paglilinis pagkatapos ng halalan.
Panawagan ng COMELEC sa mga kandidato, nanalo man o hindi ay tumulong sa pagkamit ng isang malinis, maayos, at responsableng komunidad.
