Tuba, Benguet – Pormal na itinurn-over ng National Irrigation Administration (NIA) sa Taloy Sur Irrigators’ Association (IA) ang Model Farm sa isang seremonya sa Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet nito lamang Martes, ika-23 ng Marso 2022.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni Hon. Clarita Sal-ongan, Municipal Mayor ng Tuba kasama ang mga empleyado ng NIA, Office of the Municipal Agriculturist, mga opisyal ng barangay, at mga kinatawan ng East West Seed Foundation.
Ang Model Farm ay mayroong greenhouse na may kabuuang irigasyon na 231 square meters, may drip irrigation system, isang elevated na tangke ng tubig at isang fertigation tank kasama ng iba pang mga accessories.
Sa halagang Php1,000,000, ito rin ay may farmers’ field school kung saan pinag-aaralan ang pagpadami ng kamatis at talong sa pamamagitan ng greenhouse na may drip irrigation vs. open field system.
Nagkaroon din ng simpleng graduation rite ang 30 Farmer-irrigators na nag-aral sa farmers’ field school simula noong Setyembre 3, 2021 hanggang Marso 18, 2022.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=278358874484179&id=100069302042071
I like this blog very much, Its a really nice billet to read and obtain information. “The world breaks everyone, and afterward, many are strong at the broken places.” by Ernest Hemingway.