Itogon, Benguet – Matagumpay na nagsagawa ng Medical at Dental Health Consultation ang Provincial Health Office (PHO) sa Tinongdan, Itogon, Benguet nitong Martes, ika-23 ng Marso, 2022.
Ayon kay PHO 1 Meliarazon Dulay, malaki ang tulong ng nasabing aktibidad sapagkat ito ang naging daan upang maipaliwanag nila sa mga mamamayan ang kahalagahan ng bakuna.
Ayon pa kay PHO 1 Dulay, maliban sa pagsasagawa nila ng health consultation ay ang paghikayat din nila sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na para sa proteksiyon nila laban sa COVID-19 virus.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng naturang aktibidad ay unti-unting makakamit ng munisipalidad ng Itogon ang 70% herd immunity kung saan nasa 48.59% pa lamang ang fully vaccinated at puntirya ng Municipal Health Services Offices (MHSO) na makabakuna pa ng 22 percent upang makamit nila ang herd immunity.
Ang libreng medical at dental health consultation ay inisyatibo ng Tinongdan Indigenous Peoples Organization sa pakikipag-ugnayan ng PHO at MHSO.
Source: https://www.facebook.com/105542054468563/posts/516014563421308/
Definitely, what a fantastic website and instructive posts, I surely will bookmark your blog.Have an awsome day!