Patuloy ang Health Emergency Response Team ng Provincial Health Office sa pagsasagawa ng mga pagsasanay sa mga kawani ng mga ospital sa lalawigan ng Cagayan.
Ito ay kasunod ng katatapos na dalawang araw na Basic Life Support (BLS) at Standard First Aid (SFA) Training sa Northwestern Cagayan General Hospital na isinagawa nitong Mayo 5-6, 2025 sa Sta. Ana Cagayan.
Dinaluhan ito ng 30 kalahok na kinabibilangan ng mga nurse, driver, nursing attendant, at ilang medical at non-medical staff ng nasabing ospital.

Pangunahing layunin pa rin ng pagsasanay na tiyaking may sapat na kahandaan at kaalaman ang mga ospital sa lalawigan sa pagresponde sa iba’t ibang uri ng emergency.
Matatandaang sumailalim na rin ang ilang kawani ng PHO sa Generic Basic Life Support at Standard First Aid Training of Facilitators bilang paghahanda sa kanilang tungkulin bilang mga tagapagsanay sa iba’t ibang munisipalidad.
Source: Cagayan Provincial Information Office