19.7 C
Baguio City
Friday, May 9, 2025
spot_img

Dalawang Cordilleran Cadets ng PMA SIKLAB-LAYA Class of 2025, magtatapos at mabibigyan ng pagkilala

Isang malaking karangalan ang hatid ng pagtatapos ng dalawang Cordilleran cadets mula sa Philippine Military Academy (PMA) SIKLAB-LAYA Class of 2025 na kabilang sa mga bibigyang pagkilala sa kanilang natatanging tagumpay sa nalalapit na graduation ceremony na gaganapin sa Fort Del Pilar, Baguio City sa ika-17 ng Mayo 2025.

Kabilang sa mga pinarangalan ay si Cadet First Class Tracy Anselmo Miranda, mula sa Bakakeng Central, Lungsod ng Baguio, na tatanggap ng Athletic Saber Award (Male Category)—isang parangal para sa kadeteng namukod-tangi sa larangan ng pisikal na kasanayan at palakasan.

Kasama rin si Cadet First Class Kint Pinas mula sa Upper Wangal, La Trinidad, Benguet, na magtatapos bilang Cum Laude, patunay ng kanyang kahusayan sa akademikong larangan. Sa isinagawang Kapihan sa PMA noong Mayo 7, 2025—na bahagi ng opisyal na mga aktibidad para sa graduation week—kinilala ang nasabing mga kadete sa pamamagitan ng isang parada na nagpapakita ng kanilang dedikasyon, disiplina, at sakripisyo sa loob ng akademya.

Batay sa ulat, ibinahagi ni Cadet First Class Pinas na ang unang yugto ng kanyang pagsasanay sa PMA ang pinakamabigat at pinakamatinding hamon sa kanyang buhay.

Aniya, tila nagsimula siya mula sa wala, dulot ng malalim na pagkakaiba ng buhay sibilyan sa buhay militar. Sa kabila ng lahat, matagumpay niyang nalampasan ang mga pagsubok sa tulong ng kanyang determinasyon at pagpupursige.

Hinimok din niya ang mga kabataan, lalo na ang mga Cordilleran, na subukang pumasok sa akademya. Ayon sa kanya, bukod sa pisikal at mental na paghahanda, maraming mahahalagang aral sa buhay ang matututunan sa loob ng PMA—lalo na ang pagtitiwala sa sarili, katatagan, at serbisyo sa bayan.

Ang tagumpay ng dalawang kadeteng Cordilleran ay hindi lamang personal na tagumpay kundi inspirasyon din sa kanilang mga kapwa kabataan na nagsusumikap makamit ang pangarap sa kabila ng mga hamon ng buhay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles