18.7 C
Baguio City
Wednesday, April 23, 2025
spot_img

Lokal na produkto, bida sa Kadiwa ng Pangulo at Bisperas Market ng Tarlac City

Patuloy ang pagtutok ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pagbibigay-suporta sa mga lokal na negosyante at magsasaka sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa ng Kadiwa ng Pangulo at Bisperas Market sa harap ng Tarlac City Hall tuwing Lunes.

Pinangungunahan ang aktibidad na ito ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City.

Nagsisilbi itong bukas na oportunidad para sa mga lokal na producer upang maipakilala at maipagbili ang kanilang mga produkto sa mas malawak na mamimili.

Tampok sa mga itinitinda ang sariwa, organiko, at abot-kayang mga produktong agrikultural, gayundin ang mga produktong gawa ng mga Tarlakenyong negosyante na tunay na nagpapamalas ng galing at kasipagan ng lokal na komunidad.

Layunin ng proyekto na itaguyod ang sustainable livelihood, palakasin ang lokal na ekonomiya, at mapalapit sa publiko ang de-kalidad at masustansyang produktong gawang-Tarlac.

“Ang pagtangkilik sa sariling atin ay hindi lamang suporta sa produkto, kundi suporta sa mga pamilya at kabuhayang nasa likod ng bawat ani at gawang-kamay,” pahayag ni Mayor Cristy Angeles.”

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles