24.4 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

Sinago Cove ng Sta. Ana, Cagayan

Katulad ng El Nido at Coron sa probinsya ng Palawan, ang Sinago Cove ng Sta. Ana, Cagayan ay isa sa mga ipinagmamalaking tourist spot sa lugar. Ang limestone at rock formation na dinagdagan pa ng ganda ng dagat ang siyang nagbigay ng makapigil hiningang tanawin ng lugar.

Maaaring magtampisaw at lumangoy sa dagat na walang pag-aalalang matangay ng malalakas na alon dahil ang Sinago Cove ay nasa likod ng kambal na bundok na siyang nagbibigay ng karagdagang ganda sa lugar.

Maliban sa swimming, maaari din na maenjoy ng mga turista ang biking, hiking, trekking, mountain climbing, at camping.

Isa din sa mga atraksyon dito ay ang makulay na pagsikat at paglubog ng araw na inaabangan at binabalik-balikan sa lugar.

Mararating ang mala-paraisong destinasyon na ito sa pamamagitan ng isang oras na pagsakay sa de-motor na bangka mula sa San Vicente Port.

Maihahalintulad ang destinasyon na ito sa James Bond Island ng Thailand at Halong Bay ng Vietnam.

Kaya kung nais mong panandaliang bitawan ang maingay na buhay siyudad, tara na at dalawin ang paraiso ng Sinago.

Sources:

https://www.zenrooms.com/blog/post/cagayan-valley/

https://www.facebook.com/noelontheroad/posts/travel-guide-to-sinago-cove-santa-ana-cagayan-philippines-sinago-cove-fronting-t/1354783154603369/

https://www.shiningmom.com/places-to-see-in-sta-ana-cagayan/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles