Isang pagpupugay sa mga magigiting na Beterano sa ika-83 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Tomb of the Unknown Soldiers sa Tuguegarao City nito lamang ika-5 ng Abril 2025.

Pinangunahan ng Philippine Veterans Affairs Office – Tuguegarao Field Service Office ang Sunrise Ceremony sa pamamagitan ng isang simpleng selebrasyon kabilang na ang pag-aalay ng bulaklak at gun salute.
Nagpahayag din ng pagkilala, pagpapasalamat at pagpupugay si Cagayan Governor Manuel Mamba sa pamamagitan ng kanyang representative na si Ret. BGen. Rodolfo Alvarado.
“This symbolic celebration may remind us of their sacrifices that all their battles for the country are not laid to rest but are still manifested in the liberty that we now enjoy. Your heroic deed is an inspiration and a cornerstone in realizing our patriotism and loyalty to the country,” ani Leon DG Rafael, Regional Director, Office of the Civil Defense.
Source: PIA Cagayan