15.9 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

Kauna-unahang Floating Playground sa Northern Luzon makikita sa Ilocos Norte

Makikita ang kauna-unahang Floating Playground sa Northern Luzon na matatagpuan sa Barangay Suba, Paoay, Ilocos Norte na inilunsad at binuksan sa publiko noong Enero 30, taong kasalukuyan.

Ang Floating Playground ay tinaguriang “Paoay Lake Water Park” na mayroong 4200-square meters inflatable na may naglalakihang slide, swing, launcher, at inflatable pool.

Nagtatampok din ito ng Bali-inspired na “I’m in Lounge” sa tabing baybayin ng lawa na mayroong 120 pares ng makukulay na payong at bean bags.

Mayroon din itong iba’t ibang aktibidad na pedeng salihan o gawin tulad ng kayaking, paddle boarding at beach volleyball.

Ang “Paoay Lake Water Park” ay inaasahang magpapalakas ng turismo sa lugar, pagtitiyak ng matatag na trabaho para sa mga residente nang naturang lugar, at oportunidad na rin para sa mga lokal na negosyante.

Samantala, ang tinatanggap lamang sa nasabing parke na maaaring bumisita ay ang mga ganap na nabakunahan lamang para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga bisita at kawani.

Ang Ilocos Norte ang kauna-unahang probinsya sa Pilipinas na ginawaran ng World Travel and Tourism Council Safe Travels Stamp dahil sa pagsakatuparan ng pandaigdigang health and safety protocols. Bukod dito, ang mga aktibong manggagawa sa turismo ay 100% ganap na nabakunahan.

Source: https://ilocosnorte.gov.ph/news/ilocos-norte-opens-first-floating-playground-in-northern-luzon

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles