17.1 C
Baguio City
Wednesday, April 2, 2025
spot_img

2025 Legal Education Forum, handog ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando

Handog ng City Legal Office (CLO) ng Pamahalaang Lungsod ng Sna Fernando ang 2025 Legal Education Forum kung saan mga grupo ng kababaihan ang unang naging kalahok na ginanap sa Heroes Hall, City of San Fernando, Pampanga nito lamang ika-20 ng Marso, 2025.

Ang programa ay inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Vilma Balle-Caluag, sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at ng Public Attorney’s Office (PAO).

Dumalo sa unang sesyon ang mga miyembro ng iba’t ibang organisasyon ng kababaihan tulad ng Pederasyon ng Kababaihang Fernandino, Kalipunan ng mga Liping Pilipina, Soroptimist International of Pampanga, at Zonta International.

Kasama rin sa mga dumalo ang mga kababaihan mula sa workforce ng City Government of San Fernando, CSFP Water District, at mga solo parent.

Kabilang sa mga pangunahing tagapagsalita sa forum sina City Legal Officer Atty. Jose Elmer Teodoro, at City Attorney IV Cornelio Tallada, Jr., na tinalakay ang iba’t ibang mahahalagang paksa.

Ipinaliwanag ni Atty. Catherine Rose Diaz, mula sa IBP ang Magna Carta of Women (RA 9710), na naglalahad ng mga karapatan at benepisyo ng kababaihan.

Tinalakay naman ni Atty. Christine Mae Pinlac ng PAO ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262), na nagbibigay ng proteksyon sa kababaihan at kanilang mga anak laban sa karahasan.

Samantala, iprinisenta ni Atty. Evelyn Payawal ng IBP ang mga benepisyo at karapatan ng mga solo parent sa ilalim ng Solo Parents Welfare Act at Expanded Solo Parents Welfare Act (RA 8972 at RA 11861).

Patuloy na inaasahan ng pamahalaang lungsod na mas maraming sektor ng lipunan ang makikilahok sa susunod na mga edisyon ng Legal Education Series upang higit pang mapalakas ang kaalaman ng mga mamamayan sa kanilang mga karapatan at sa umiiral na batas.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles