16 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Butanding nailigtas sa San Juan, La Union

Isang butanding ang pinagtulung-tulungang maibalik sa dagat ng mga mangingisda, turista, environmentalists at mga miyembro ng San Juan Police Station na aksidenteng nalambat ng mga mangingisda sa dagat ng Urbiztondo, San Juan, La Union noong Biyernes, Marso 11, 2022.  

Ayon kay Ginoong Carlos Tamayo, Pangulo ng Conservation Group ng Coastal Underwater Resource Management Actions o CURMA, sa gitna pa lamang ng dagat ay sinubukan na ng mga mangingisda na pakawalan ito subalit sila ay nabigo kaya napilitan silang dalhin ito sa dalampasigan at magpatulong sa mga beachgoers.

Agad ding rumesponde ang mga tauhan ng San Juan Police Station na pinamunuan ni Police Major Napoleon Lango at mga kawani ng Municipal Environment Office at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sa pamamagitan ng bayanihan na ipinamalas ng mga rumesponde ay matagumpay na naibalik ang butanding sa dagat na kanyang tahanan.

Ayon kay Police Major Lango, hindi lang buhay ng tao ang responsibilidad ng mga kapulisan ng San Juan Police Station na protektahan kundi pati na rin ang mga ibang hayop kagaya ng butanding na nabibilang sa mga listahan ng mga endangered species.

Sinisiguro naman ng pamunuan ng San Juan, La Union na kapag naulit man ang ganitong pangyayari ay hindi sila magdadalawang-isip na sagipin ang ating mga yamang dagat at hinding-hindi magagamit sa maling layunin. Sa ganitong paraan ay makakatulong sila sa pagpepreserba at pagpoprotekta sa mga endangered species.

Malayang Kaisipan

Credits to: San Juan LUPPO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles