15.8 C
Baguio City
Thursday, February 27, 2025
spot_img

Masustansyang pagkain, handog ng Pamahalaan ng Bataan sa mga mag-aaral ng San Ramon Elementary School

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ang programang Bataan Healthy School Setting sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga masusustansyang pagkain sa mga mag-aaral mula sa San Ramon Elementary School, Dinalupihan, Bataan nito lamang ika-25 ng Pebrero, 2025.

Ang programa ay inisyatibo ng butihing ama ng lalawigan na si Governor Joet Garcia sa pakikipagtukungan ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Tong Santos, kasama sa ang Municipal Health Office sa pamumuno ni Dra. Lahaina Bulaong, Ma. Fe Teresa Peñaflor, PhD, principal ng paaralan at ang mga guro.

Kaugnay nito, matagumpay na naipamahagi ang healthy meals sa mga Grade 1 at Grade 2 pupils.

Ang aktibidad ay bahagi ng inisyatibong Healthy Paaralan para sa Malusog at Matatag na Kabataan, na naglalayong tiyakin ang wastong nutrisyon ng mga batang mag-aaral sa Bayan ng Dinalupihan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang, patuloy na isinusulong ng Bataan ang adbokasiya para sa malusog na kabataan, na pundasyon ng mas maunlad at masiglang hinaharap.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles