Muling naghatid ang Lokal na Pamahalaan ng Pampanga ng cash assistance at food packs sa 975 na benepisyaryo mula sa Barangay San Agustin, San Simon, Pampanga nito lamang ika-25 ng Pebrero 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Hon. Lilia Pineda, Vice Governor ng Pampanga.
Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap.
Isang paraan lamang ng Pamahalaang Lungsod na tiyakin na ang mga serbisyo’t programa ng Kapitolyo ay aabot hanggang sa mga mamamayan sa nasa laylayan ng lipunan.
Layunin ng programa na ipadama ang malasakit at pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga ganitong serbisyo para sa inaasam na maunlad na Bagong Pilipinas.
