Handog ang libreng pagbakuna sa mga alagang hayop ng Pamahalaan Lungsod ng Angeles sa Barangay Lourdes Sur East, Angeles City nito lamang Biyernes ika-21 ng Enero, 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Mayor ng naturang lungsod sa pangangasiwa ni Dr. Christian Xyril Arcilla ng City Veterinary Office.
Nabigyan ng libreng bakuna ang mga alagang aso at pusa ng mga residente sa nasabing lugar na lubos na ipinagpapasalamat ng mga ito.
Layunin ng aktibidad na ito na turuan ang mga residente na maging responsable bilang tagapangalaga ng hayop at magkaroon ng sapat na kaalaman kung paano maayos na pangalagaan ang kanilang mga alaga upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng lahat.
Patuloy na isinasagawa ng Pamahalaan ng Angeles City ang programang ito sa iba’t ibang barangay upang matiyak na lahat ng alagang hayop ay mabakunahan, na makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mamamayan at pag-iwas sa mga sakit na maaaring manggaling sa mga alagang hayop.
