Isingawa ang isang seminar at workshop sa produksyon ng kabute para sa 50 residente ng Barangay Malayugan, Flora, Apayao noong Pebrero 19, 2025.
Sa naturang workshop, ipinakita at ipinaliwanag ng mga tagapagsanay ang tamang paraan ng pagtatanim ng straw mushrooms upang maging dagdag na kabuhayan ng mga residente.
Bukod dito, nag-alok rin ng libreng gupit ang PNP upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos na hitsura at kalinisan ng mga residente.

Tampok din sa aktibidad ang mga panayam tungkol sa mga hakbang laban sa terorismo at sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act.
Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng praktikal, pangmatagalan, matipid, at may potensyal na pagkakakitaan na proyekto upang makatulong sa pagpapagaan ng kahirapan.
