Bilang pakikiisa sa National Down Syndrome Consciousness Month, nagsagawa ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) ng Alaminos City sa pamamagitan ng PDAO at Stimulation and Therapeutic Activity Center ng Family Fun Day for People with Down Syndrome nito lamang Pebrero 19, 2025, sa City Gymnasium ng nasabing lungsod.
Sa mensaheng ipinahatid ng City Council, binigyang-diin ang suporta ng administrasyon ng Punong Lungsod sa kahusayan at talento ng mga may Down Syndrome at ang pagsulong ng isang inklusibong lipunan.


Ang aktibidad ay nagbigay saya at pagpapalakas sa mga pamilya ng mga may Down Syndrome, isang hakbang patungo sa mas inklusibong Bagong Pilipinas na nagtataguyod ng pantay-pantay na karapatan at pagtanggap sa bawat isa.
Source: LGU Alaminos City, Pangasinan