23.1 C
Baguio City
Saturday, February 22, 2025
spot_img

Mga magsasaka sa Nueva Ecija, tumanggap ng Pangkabuhayan Package mula sa DSWD

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Executive Order No. 70 series of 2018, matagumpay na naipamahagi ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Social Welfare and Development (SWAD) Nueva Ecija ang Seed Capital Fund na nagkakahalaga ng P300,000.00 para sa mga magsaka mula sa Carranglan at San Jose, Nueva Ecija nito lamang ika-17 ng Pebrero, 2025.

Sa ngalan ni Dir. Venus F. Rebuldela, pinangunahan nina SLP NE CBPPO Irene Jane S. Tomas, EO 70 PDO II Lamberto Elijah C. Villanueva, at SLP NE MPDO Patricia S. Calahi ang awarding ceremony.

Dumalo rin sa aktibidad si Colonel Jerald Reyes at iba pang kinatawan mula sa Philippine Army.

Ang nasabing tulong pangkabuhayan ay itinakdang gamitin sa goat raising enterprise upang mapalakas ang kabuhayan ng mga benepisyaryong magsasaka na miyembro ng Sambayanan Farmers at Pandayan Lising Kalanguya Farmers.

Patuloy ang Department of Social Welfare and Development Field Office 3 – Central Luzon sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga komunidad na nangangailangan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles