Nagsagawa ang City Health Services Office (CHSO) ng isang contact tracing seminar sa Baguio City noong Pebrero 14-15 2025.
Pinangunahan ito ni Dr. Celia Flor Brillantes, at dinaluhan ng mga nurse mula sa lokal na ospital, PNP, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang sektor upang palawakin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa tamang pagsasagawa ng contact tracing at iba pang hakbang sa pagpigil ng sakit.

Sa seminar, tinalakay ang referral network at tugon ng lungsod sa mpox, mga pangunahing impormasyon tungkol sa sakit, tamang infection prevention and control, pati na rin ang HIV counselling, motivational counselling, cognitive interview techniques, cyberpatrolling, at paggamit ng mandatoryong mpox forms upang mapabuti ang proseso ng contact tracing.
Bilang bahagi ng pinaigting na hakbang laban sa mpox, iniutos ni Mayor Benjamin Magalong, ang pagbuo at pagsasanay ng isang contact tracing team na may sapat na kakayahan upang mabilis at epektibong matugunan ang mga kaso ng sakit.
Ang seminar na ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng lungsod upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at maiwasan ang pagkalat ng mpox.
