Nakatanggap ng cash assistance ang mga magsasaka sa Tabuk City mula sa Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Rice Farmers Financial Assistance (RFFA), Kalinga nito lamang Sabado, Marso 12, 2022.
Ayon kay Edwin Joseph Franco, Regional Rice Coordinator ng DA-Cordillera Administrative Region (CAR), nasa 5,286 Tabuk City rice farmers ang inaasahang makakatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga ng tig-Php5,000.
Ayon pa kay Franco, ang mga rice farmers na makakatanggap ay nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at may sakahan na dalawang ektarya at mahigpit na ipinapaalala sa mga ito na isa lamang kada household ang mabibigyan.
Dagdag pa niya dito, layunin ng naturang cash assistance na matulungan ang mga rice farmers na naapektuhan ng implementasyon ng RA 11203 (Rice Tariffication Law) na nagresulta sa mababang presyo ng palay sa naturang bayan.
Samantala, inaasahang matatapos ang pamimigay ng cash assistance ng DA sa mga magsasaka sa Tabuk City sa Marso 13, 2022 upang makapunta at makapagbigay tulong din sa iba pang mga magsasaka sa ibang lugar sa Kalinga.
Source:
https://www.facebook.com/105542054468563/posts/507871597568938/