16.2 C
Baguio City
Friday, January 24, 2025
spot_img

Filipina-Indian Beauty mula Cauayan City, kinoronahang Ms. Isabela 2025

Tinanghal bilang Ms. Queen Isabela ang pambato ng Cauayan City na si Jarina Sandhu sa ginanap na patimpalak ng kagandahan at katalinuhan sa Isabela nitong ika-22 ng Enero, 2025.

Ang nasabing pageant ay bahagi ng pagdiriwang ng Bambanti Festival 2025, isang selebrasyon na nagbibigay pugay sa pagkakakilanlan ng mga masisipag at maabilidad na mamamayan ng Isabela. Sa festival na ito, makikita ang makulay na sining, musika, sayaw, at ang mga natatanging produktong ipinagmamalaki ng lalawigan.

Layunin ng Bambanti Festival na isulong ang turismo ng Isabela at itanghal ang mga produktong lokal. Malaking bahagi rin nito ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng agrikultura, na siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Isabeleño.

Sa mga programang tulad ng Ms. Isabela, naipapamalas ang dedikasyon at pagmamalaki ng mga mamamayan sa kanilang kasaysayan, kultura, at kalikasan. Napapalaganap din nito ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa lalawigan ng Isabela.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles