Isang matagumpay na programa ang isinagawa ng City Veterinary Office ng Angeles City para sa mga alagang aso at pusa ng mga residente ng Barangay San Jose, Angeles City nito lamang Martes ika-21 ng Enero 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Christian Xyric Arcilla, City Veterinary Office na inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa pamumuno ni Mayor Carmelo Lazatin Jr.
Ang serbisyong ito ay naglalayong mapanatili ang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit na rabies na mapanganib hindi lamang sa mga hayop kundi pati na rin sa tao.
Patuloy ang lokal na pamahalaan ng Angeles City sa pagsagawa ng ganitong aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan ng mga hayop at mamamayan.