23.6 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

Angeles CENRO, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Angeles City Environment and Natural Resources at mga estudyante ng Philipine Science High School at Angeles City High School sa isinagawang Tree Planting Activity ng Pamahalaan ng Angeles sa Angeles City Watershed, Brgy. Sapangbato nito lamang Sabado, ika-18 ng Enero 2025.

Matagumpay ang naturang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Carmelo “Pogi”Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.

Nagkaisa ang bawat indibidwal sa pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ng mga punongkahoy sa bilang bahagi ng pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang pagbaha sa lugar na magbibigay benepisyo hindi lamang sa kasalukuyan kundi pati na rin sa darating na henerasyon.

Ang aktibidad ay naglalayong makatulong sa paglaban sa global warming na kasalukuyang nararanasan.

Bukod dito, ito rin ay magsisilbing tirahan at mapagkukunan ng pagkain ng iba’t ibang uri ng hayop at halaman, na mahalaga para sa pagpapanatili ng biodiversity.

Patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ng Angeles ang paglulunsad ng mga aktibidad upang mahimok ang mga mamamayan na aktibong makibahagi sa mga gawaing makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan at sa pag-unlad ng komunidad, bilang bahagi ng pagtahak tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles