Naghatid ng kasiyahan at inspirasyon ang pamamahagi ng Bears of Joy ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga estudyanteng may Autism Spectrum Disorder (ASD) mula sa Camp Olivas Elementary School sa San Fernando, Pampanga nito lamang ika-13 ng Enero, 2025.
Ang inisyatibo ay pinangunahan ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Venus F. Rebuldela sa pakikipagtulungan ng SM Telabastagan.
Ang aktibidad na ito ay nagbigay hindi lamang ng kasiyahan kundi pati ng motibasyon sa 100 estudyante.
Ito ay bahagi ng taunang gift-giving initiative ng SM Foundation at SM Supermalls, bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility program.
Binigyang-diin din nito ang pagsasakatuparan at naging posible sa tulong ng suporta ng mga mamimili na aktibong nakibahagi sa proyekto.
Patuloy na magsusulong ang SM Foundation at DSWD ng mga programang naglalayong magbigay ng positibong epekto sa komunidad, partikular na sa mga sektor na higit na nangangailangan ng tulong at suporta.