Tatlong indibidwal ang nailigtas mula sa mga insidente ng muntik nang paglubog sa La Union at Pangasinan noong pagdiriwang ng Bagong Taon, ngunit tatlo naman ang hindi pinalad at nalunod.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office sa Ilocos Region (PRO1) noong Huwebes, ika-2 ng Enero, 2024, tatlong indibidwal mula sa Baguio City ang nailigtas mula sa bayan ng Aringay, lalawigan ng La Union.
Ang mga biktima, na may mga edad na 14 (babae), 20 (lalaki) at 74 (lalaki), ay agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ngunit ang pinakamatanda sa kanila ay idineklarang patay nang dumating.
Sa Pangasinan, isang 11 taong gulang na lalaki at 13 taong gulang na babae mula sa bayan ng Calasiao, Pangasinan, ang nahatak ng malalakas na alon papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat habang naliligo kasama ang kanilang tiyuhin sa baybaying-dagat ng Lingayen.
Ayon kay Kimpee Jayson Cruz, deputy ng Lingayen Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), sa isang phone interview, sinubukan ng tiyuhin na iligtas ang mga menor-de-edad pero tanging ang pamangkin niyang babae lang ang kanyang nailigtas.
Samantala, isang 44 taong gulang na lalaki mula sa Binmaley, Pangasinan, ang nalunod habang naliligo sa baybayin ng Baybay Lopez sa parehong bayan. Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga kamag-anak ng biktima ang nagligtas sa kanya at isinugod siya sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang patay sa pagdating sa pagamutan.
Source: Provincial Government of La Union