Kinilala at pinarangalan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang probinsya ng Cagayan sa pagkakasungkit nito bilang 26th Most Competitive Province sa buong bansa sa ginanap na survey ng ahensya.
Tinanggap ni EnP. Jennifer Junio-Baquiran, Provincial Tourism Officer ang parangal bilang kinatawan ng Pamahalaang Lalawigan ng Cagayan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Baquiran na ang kontribusyon ng malaking proyekto ng ama ng lalawigan na International Gateway Project o CIGP na magbubukas sa lugar sa International Trade.
Taunang isinasagawa ng DTI ang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) na nakatuon sa Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation.
Samantala, ang Provincial Ranking naman ay naka base sa populasyon at income weighted average ng kabuuang scores ng lahat ng siyudad at bayan sa ilalim ng isang lalawigan.
Ipinapakita ng parangal ng umuusbong na kalakalan at patuloy na paglago ng ekonomiya ng lalawigan na siyang makakaakit sa local at international investors.
Source: Cagayan PIO