Muling isinagawa ang taunang gift-giving activity ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 – Central Luzon para sa mga batang residente ng Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) ng Central Luzon nito lamang Disyembre 8, 2024. Ang aktibidad ay pinangunahan ni DSWD Regional Director Venus F. Rebuldela.
Ang Balik Sigla, Bigay Saya ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Pasko ng pamahalaan, na naglalayong magdala ng kasiyahan sa mga batang nasa pangangalaga ng DSWD at iba pang mga institusyon.
Lahat ng mga batang dumalo ay nabigyan ng mga espesyal na kiddie gift sets na naglalaman ng coloring pillow, colored pens, medyas, tumbler, tuwalya, relo, at trolley bags.
Ang aktibidad ay naghatid ng kasiyahan at nagbigay-inspirasyon sa mga kabataan habang ipinagdiriwang ang diwa ng pasko. Patuloy na inaasahan ang Balik Sigla, Bigay Saya bilang isang makabuluhang tradisyon sa buong rehiyon, na nagbibigay liwanag at pag-asa sa gitna ng Kapaskuhan.