16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

COMELEC Mangaldan, nagsagawa ng Automated Counting Machine (ACM) Demo

Nagsagawa ang Commission on Elections (COMELEC) Mangaldan ng demonstration at actual simulation ng Automated Counting Machine (ACM), sa mga pinuno at kawani ng lokal na pamahalaan, upang magamay ng mga botante ang nasabing bagong teknolohiya na gagamitin para sa nalalapit na midterm elections sa susunod na taon nitong Lunes, Disyembre 2, 2024.

Parte ang isinagawang simulation sa nationwide voter education roadshow ng ahensya bilang preparasyon sa 2025 National and Local Elections at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections.

Ayon kay Election Officer IV Gloria S. Cadiente, inaasahang mapapabilis at mapapadali ang magiging proseso ng botohan dahil sa bagong teknolohiya na inilunsad ng COMELEC.

Mula sa Miru Systems, tampok ng ACM ang ilang makabagong features na umano ay user-friendly at magpapabilis sa proseso ng pagboto.

Bukod dito, may QR code scanner ang ACM na magpo-project ng imahe ng aktwal na balota na pinunan ng botante. Dahil dito, inaasahang mapapataas ng transparency sa proseso ng pagboto at magbibigay ng karagdagang kumpyansa sa mga botante sa integridad ng halalan.

Pagkatapos mag-feed ng balota, makikita na rin ng mga botante ang ‘summary’ o buod ng kanilang mga binoto sa screen na may secrecy panels, upang agad matiyak na tama ang binasang boto para sa kanilang napiling kandidato.

Agad na ring malalaman sa pamamagitan ng statistical report ng ACM ang bilang ng mga boto sa bawat kandidato.

Personal na sinubukan ng mga department heads, assistant heads at section chiefs ang paggamit sa ACM na nagpatunay ng mas pinagandang features nito kumpara sa ginamit na makina at teknolohiya noong mga nakaraang halaan.

Paliwanag ni Cadiente, inuna muna ng kanilang tanggapan ang demonstration sa mga kawani ng pamahalaan na agad namang susundan ng kanilang pag-iikot o roadshow sa mga barangay hanggang Enero 30, 2025.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles