20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Panlalawigang Pamahalaan ng Cagayan, muling umarangkada sa pagbibigay ng tulong pinansyal

Muling umarangkada ang pagbibigay ng tulong pinansyal ng Kapitolyo ng Cagayan sa 1,494 na mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Amulung, Enrile, Iguig, at Peñablanca noong ika-30 ng Nobyembre 2024.

Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Office for People Empowerment (POPE) ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa bawat benepisyaryo.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Board Member Rodrigo De Asis, Enrile Mayor Miguel Decena, Iguig Vice Mayor Juditas Trinidad, Peñablanca Councilor Tata Custodio, dating Congressman Randy Ting, Agriculturist Pearlita Mabasa, Atty. Raymund Guzman, Romar De Asis, Atty. Engelbert Caronan, Atty. Nicanor De Leon, at iba pang personalidad.

Ang programang ito ay nakatutok sa mga Cagayano at ang tulong pinansiyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na bahagi ng programang ‘No Barangay Left Behind’ o (NBLB) ni Gobernador Manuel Mamba na naglalayong mabigyan ng tulong ang iba’t ibang mga sektor, maging ang mga salat sa buhay na maibsan ang kanilang mga pangangailangan.

Source:CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles