Pinangunahan ni Senador Imee Marcos ang inagurasyon at pagbasbas sa bagong tayong Pampang Public Market sa Angeles City nito lamang Nobyembre 29, 2024.
Kasama sa programa sina Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., Vice Mayor Vicky Vega-Cabigting, at Pampanga First District Representative Carmelo “Jon” Lazatin II.
Ang makabagong pamilihan ay nagkakahalag ng Php400 milyong piso na may tatlong palapag.
Ito ay may 200 dry goods stalls para sa mga vendor na naapektuhan ng sunog noong 2020, isang maluwang na food court, at steel parking facilities na may 251 slots at elevator. May side wing din itong naglalaman ng 50 mini-eateries.
Ayon kay Mayor Lazatin, ang proyekto ay simbolo ng muling pagsigla ng lokal na kalakalan at kabuhayan sa Angeles City.
Pinuri naman ni Senador Marcos ang lokal na pamahalaan at nangakong patuloy na susuporta sa mga inisyatibo para sa pag-unlad ng rehiyon.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, nananatiling buo ang layunin ng pamahalaang lokal at mga lider na lumikha ng mas maayos at progresibong kapaligiran para sa mga mamamayan.