19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) nagbigay ng maagang pamaskong regalo: Stable na Power Rates sa Disyembre

Tiniyak ng Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) sa mga konsyumer nito na mananatiling stable ang singil sa kuryente ngayong Disyembre, na may target na single-digit rate o mas mababa sa PHP10/kWh.

Ayon kay Cipriano Martinez, pansamantalang general manager ng INEC, “Nasa ligtas tayong kalagayan pagdating sa rate.” Sinabi niya ito sa isang press conference nitong Huwebes ika-28 ng Nobyembre, 2024.

Ipinahayag ni Martinez na nilagdaan ng INEC ang isang one-year emergency power supply agreement (EPSA) kasama ang GNPower Dinginin Ltd. Co. (GNPD) at San Miguel Global Power.

Layunin nito na makapag-secure ng hanggang 52 megawatts (MW) na supply ng kuryente para sa lalawigan. Mula sa dating PHP6.75/kWh na kasunduan, nakipagkasundo ang INEC sa mas mababang halaga na Php5.83/kWh sa ilalim ng bagong EPSA.

Sinisiguro rin ni Martinez na sa pamamagitan ng mahusay na pangangalakal sa wholesale electricity spot market at patuloy na negosasyon, gagawin nila ang lahat upang mapanatili ang mababang singil.

Samantala, inaprubahan na ng Energy Regulation Commission ang Php16.8 bilyong Northern Loop project, na inaasahang matatapos sa Marso 2028.

Ipinahayag ni Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc ang kanyang optimismo na ang proyekto ay magdadala ng higit na katatagan sa sistema ng transmisyon ng kuryente sa Northern Luzon, na maglilingkod nang mas maayos sa mga nasa franchise area ng INEC na may 190,000 miyembro-konsyumer.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles