15.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Mga magsasaka, nakatanggap ng Multi-Purpose Drying Pavement mula sa Lokal na Pamahalaan ng Kalinga

Nakatanggap mula sa Lokal na Pamahalaan ng Kalinga ang mga magsasaka ng isang multi-purpose drying pavement na mais at palay na malaking tulong para sa hanap-buhay at pagpapalago ng kanilang mga pananim na ginanap sa Barangay Gobgob, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-22 ng Nobyembre 22, 2024.

Malaking tulong ito sa mga magsasaka ng mais at palay sa lugar dahil ito ay may kakayahan na makapag-accommodate ng hanggang 150 sako ng mais kada batch, na may halagang Php1.2 milyon, at upang maisakatuparan ang bisyon na ito, ang karagdagang pondo ay nakuha na nagkakahalaga ng Php112,000.00.

Ang naturang programa ay inisyatiba ni Mayor Darwin C. Estrañero, Ama ng Lungsod katuwang ang KALAHI-CIDSS, City Department of the Interior and Local Government (DILG), CSWDO, City Planning and Development Office, mga opisyal ng barangay, at iba’t ibang mga stakeholders.

Ang pasilidad na ito, na pinondohan sa pamamagitan ng KC PAMANA program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Cordillera, ay naglalayong magbigay sa mga magsasaka ng isang mahusay at ligtas na lugar upang matuyo ang kanilang mga pananim.

Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga pinuno ng komunidad upang magbigay ng mga sustainable solusyon at multifunctional na imprastraktura para sa pakinabangan ng mga residente ng nasabing barangay tungo sa maunlad at mayabong Bagong Pilipinas.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles