18.3 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Mga magsasaka, nabigyan ng tulong-pinansyal mula sa pamahalaan ng Pampanga

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang nasa 622 magsasaka mula sa mga bayan ng Arayat at Sta. Ana na labis na naapektuhan ng El Niño na naganap sa Bren Z. Guiao Convention Center, San Fernando, Pampanga nito lamang Miyerkules, Nobyembre 20, 2024.

Ang tulong ay personal na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pangunguna ni Pampanga Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda.

Kasama rin sa programa ang mga opisyal ng probinsya at Office of the Provincial Agriculturist OIC Jimmy Manliclic. Bawat magsasaka ay tumanggap ng P10,000 na pinansyal na ayuda bilang suporta sa kanilang muling pagbangon.

Bukod dito, naglaan din si Governor Dennis “Delta” Pineda ng pondo para sa subsidy ng gastusin sa irigasyon ng apat na irrigators association sa mga naturang bayan.

Ang mga nakatanggap ng subsidyo ay kinabibilangan ng Barangay Camba Farmers Irrigators Association (P150,000), Paroba Matamo Agriculture Cooperative (P600,000), Barangay Sepung Ilog Farmers Irrigators Association (P300,000), at Saint Augustine, Saint Anne IA (P580,000).

Ayon sa Kapitolyo ng Pampanga, ang mga ayudang ito ay bahagi ng kanilang tuluy-tuloy na pagsuporta sa mga magsasaka, hindi lamang sa epekto ng El Niño kundi pati na rin sa mga kalamidad tulad ng mga bagyo.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles