23.7 C
Baguio City
Wednesday, November 20, 2024
spot_img

Libreng Tuberkulosis Check-up, isinagawa sa Tarlac City

Nagsagawa ng Libreng Tuberkulosis Check-up ang Rural Health Unit 1 para sa mga Kabalen sa Col. Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex, Barangay San Nicolas, Capaz, Tarlac nito lamang Linggo, ika-17 ng Nobybre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan Rural Health Unit 1 na pinagunahan ni si Mr. Mar Panlilio, Head Nurse ng RHU1 katuwang ang Tarlac Provincial Health Office.

Sa naturang aktibidad ay naihatid ang serbisyong pagsusuri, kabilang na rito ang Purified Protein Derivative (PPD) Skin Test, Gene Xpert, pisikal at eksamin sa plema upang malaman kung may infection, at chest X-ray at bitamina ang naipamahagi din sa mga benepisyaryo.

Higit 200 Kabalen ang nabigyan ng benepisyo at nahatiran ng saya at pag-asa sa nasabing aktibidad.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na maiwasan at makontrol ang pagkalat ng TB, matiyak ang tamang paggamot, at mapabuti ang kalusugan ng komunidad.

Layunin din nitong palakasin ang ugnayan ng PNP at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad, upang maipadama sa kanila ang malasakit at tunay na serbisyong hatid ng pamahalaan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles