16 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

PBBM, pinangunahan ang pamimigay ng family food packs sa 1,067 Pamilya sa Pagudpud pagkatapos ng Bagyong Marce

Nakatanggap ng family food packs at bigas na magagamit nila sa loob ng ilang araw ang 1,067 na pamilya na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa Pagudpud Cultural and Sports Complex nito lamang ika-10 ng Nobyembre 2024.

Bukod sa tulong na pagkain mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of Education (DepEd) ay nagbigay ng pangako na tutulungan nila ang mga komunidad na tinamaan ng Bagyong Marce upang makabawi agad.

Ang programang Tulong Panghanapbuhay sa ating mga Disadvantaged/Displaced Workers ng DOLE ay makikinabang ang 3,895 na mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Pagudpud, Pasuquin, Vintar, Bacarra, Adams, Dumalneg, Bangui, at Burgos.

“Napakalaking pasasalamat namin sa pagbisita ng Pangulo. Ang kanyang presensya ay nagbigay sa amin ng bagong pag-asa na magiging maayos din ang lahat,” pahayag ni Remy Calvan, isang massage therapist mula sa Barangay Saud sa Pagudpud.

Kilalang-kilala ang Pagudpud sa mga mala-paraisong puting buhangin at mga tanawin ng kalikasan, ngunit matapos ang hagupit ng Bagyong Marce, sinabi ni Barangay Saud Captain Frila Fae Viloria na magkakaroon ng matagal na panahon bago sila makabawi.

“Sa aming barangay lang, aabot sa 103 na bahay, kabilang na ang 20 resort, homestay, at tindahan, ang bahagyang nasira dahil sa malalakas na hangin,” ayon kay Viloria sa Philippine News Agency.

Si Merilyn Curammeng, 71, ay naiwan sa kanyang bahay noong Huwebes ng gabi sa rurok ng Bagyong Marce at habang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 4. Sinabi niyang natangay ang bubong ng kanyang bahay.

“Ang Bagyong Marce ang pinakamatinding bagyong naranasan ko,” aniya.

Nailigtas siya ng kanyang apo na nakatira malapit sa kanya.

Nagpasalamat din sina Laureta Faylogna at Joveni Aning, kapwa mula sa Poblacion 2 sa Pagudpud. Umaasa sila sa tulong mula sa gobyerno upang maipatayo muli ang kanilang mga bahay na nawasak sa tindi ng Bagyong Marce noong Nobyembre 7.

Si Aning, 52, na isang mangingisda, ay nagsabi na nais niyang magpatuloy ang kanyang anak na si Jovelyn sa pag-aaral.

Si Jovelyn ay isang junior student sa kursong Bachelor of Science in Education.

Source: PNA

Panulat ni Sane Mind

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles