16.9 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

La Union, nakahanda para sa Bagyong Nika

Ipinatupad ng La Union Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang deployment ng mga team at kagamitan upang paghandaan ang Typhoon Nika (na may international name na Toraji) nito lamang ika-10 ng Nobyembre, 2024.

Umabot sa 16 na team na binubuo ng apat na miyembro bawat isa ang inilaan para sa emergency medical services, search and rescue operations, retrieval, surveillance, at 911 emergency telecommunications.

Ang mga team na naka-assign para sa 911 telecommunications at monitoring ay nai-deploy na, samantalang ang iba ay standby at handang tumulong sa mga local government unit. Ang mga nakahandang kagamitan ay kinabibilangan ng isang ambulansya, high-lift off-road rescue vehicle, rescue truck, service vehicle, jetski, tatlong rubber boat, at 22 heavy equipment para sa clearing operations.

Nasa red alert status ang La Union PDRRMO Emergency Operations Center simula noong alas-8 ng gabi ng Linggo (Nobyembre 10) bilang paghahanda sa bagyo. Sinuspinde ni Governor Raphaelle Veronica Ortega-David ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, ngayong Lunes dahil sa inaasahang masamang panahon sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2.

Iniutos din ng Ilocos Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa mga local disaster risk reduction and management offices (LDRRMO) sa rehiyon na ipatupad ang mga precautionary measures upang paghandaan ang posibleng storm surge dala ng bagyo.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles