16 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Americares Philippines, muling nagbahagi ng Community Health Outreach sa mga Tabukeños

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Tabuk City ng Community Health Outreach para sa 10 komunidad sa bansa kaugnay sa 10th year anibersaryo ng Americare Program kasama ang Barangay Nambaran sa napili na may temang “Improving Health and Building Resilience for Decades to Come” na ginanap sa Barangay Nambaran, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-8 ng Nobyembre taong 2024.

Nakatanggap ng libreng health care services ang 150 benepisyaryo kabilang ang mga magulang, senior citizens at iba pang residente sa naturang lugar kagaya ng free medical services kasama ang laboratory tests, medical consultation, patient counselling, medicine dispensation, at community health education.

Kasabay nito ang Therapeutic Art and Play Activites bilang bahagi ng community health education on mental health and wellness para sa mga mag-aaral ng local day-care center.

Ang naturang programa ay pinamunuan ni Mayor Darwin C Estrañero, Ama ng Lungsod katuwang si Hon. Paul Pagaran, Americares Philippines Country Director, City Information Officer na si Hon Aurora D. Amilig, kasama ang Tabuk City LGU, City Health Services Office, barangay officials DOH, BHW at iba pang health professionals at volunteers para sa nasabing aktibidad.

Labis naman na ikinatuwa at pasasalamat ng mga benipisyaryo sa libreng tulong na kanilang natanggap. Layunin ng programa na ipadama ang malasakit, pagpapahalaga at pagmamahal ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga libreng serbisyo para sa inaasam na maunlad at mayabong na Bagong Pilipinas.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles