18.4 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

DSWD Field Office 2, namahagi ng P1M sa 67 SLP members para sa SLP Walang Gutom Award

Patuloy ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2) sa pagsulong laban sa kagutuman at kahirapan sa pamamagitan ng pamamahagi ng P1,005,000 para sa 67 program participants ng Sustainable Livelihood Program (SLP) na kinilala sa SLP Walang Gutom Awards nitong ika-6 ng Nobyembre 2024.

Ang mga nabanggit na program participants ay bahagi ng “I Love Quirino Caravan: Food and Nutrition Security,” isang inisyatibo ng probinsya. Ang proyekto ay isa sa 17 finalists na itinanghal sa 2024 Walang Gutom Awards at kabilang rin sa mga nanalo sa 2024 Galing Pook Awards.

Ang ipinamahaging pondo ay naglalayong suportahan ang mga benepisyaryo sa pagpapalago ng kanilang mga kabuhayan tulad ng pagtatanim, paggawa ng mga produkto, at iba pang mga proyektong pangkabuhayan na makakatulong sa kanilang komunidad.

Kabilang sa mga dumalo sa seremonya sina DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu-Alan, RSW, Gobernador Dakila Carlo “Dax” E. Cua, Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty Focal Person Alphea T. Pagalaran, at ilang kinatawan mula sa Provincial Social Welfare and Development Office ng Quirino at SLP Regional Program Management Office.

Layunin ng proyektong ito na palawakin ang kaalaman at impluwensya ng SLP, upang mas maraming benepisyaryo ang makatanggap ng tulong at maiangat ang antas ng kanilang kabuhayan, kasabay ng pagsugpo sa kagutuman sa rehiyon.

Source: DSWD Region II

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles