18.5 C
Baguio City
Thursday, November 14, 2024
spot_img

DSWD Field Office 2, patuloy na nakatutok sa mga Inilikas sa Batanes dahil sa Super Typhoon Leon

Patuloy na binabantayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2, sa tulong ng Social Welfare and Development (SWAD) team sa Batanes, ang kalagayan ng mga pamilyang lumikas sa Provincial Evacuation Center sa Basco, Batanes upang matiyak ang kanilang kaligtasan nito lamang ika-29 ng Oktubre 2024.

Aabot sa 36 pamilya o 128 indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation center, kung saan nagsasagawa ang mga “Angels in Red Vests” ng profiling upang matukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng mga evacuees, tulad ng pagkain, tubig, at iba pang gamit.

Sa ulat ng DOST-PAGASA noong Oktubre 30, 2024, alas-11 ng gabi, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 5 sa Itbayat, habang nasa Signal No. 4 naman ang natitirang bahagi ng Batanes dahil sa Super Typhoon Leon.

Patuloy na nakatuon ang DSWD Field Office 2 sa pagbibigay ng agarang tugon upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga inilikas na pamilya.

Bukod sa profiling, patuloy rin ang koordinasyon ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang matiyak na sapat ang supply ng mga pangunahing pangangailangan sa evacuation center.

Ang ahensya ay handang magbigay ng karagdagang tulong sa mga residente ng Batanes, lalo na’t inaasahang mararamdaman pa ang matinding epekto ng bagyo sa mga susunod na araw.

Source: DSWD Region II

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles