Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Baguio ang 2024 National Livestock and Poultry Month na ginanap sa Igorot Park, Baguio City noong Nobyembre 6, 2024.
Ang aktibidad ay nilahukan ng City Veterinary at Agriculture office katuwang ang mga magsasaka at residente ng naturang lugar.
Tampok sa aktibidad ang mga alagang kuneho, iba’t ibang uri ng manok, gulay, pulot, sariwang itlog, at mga prutas tulad ng Mangosteen, Durian, at Pomelo na direktang mula sa mga magsasaka.
Bukod pa rito, ang bigas na ibinebenta sa halagang Php29.00 kada kilo ay limitado sa 10 kilo kada tao.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang produksyon at kita ng mga magsasaka at mangingisda at palawigin ang kaalaman sa sektor ng livestock at poultry sa kanilang nasasakupan.