18.5 C
Baguio City
Thursday, November 14, 2024
spot_img

Kagamitang pandigma ng NPA, narekober sa Kalinga

Narekober ang mga iba’t ibang kagamitang pandigma ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Babacong, Barangay Gawaan, Balbalan, Kalinga nito lamang Nobyembre 5, 2024.

Ayon sa ulat, isang squad ng Civilian Active Auxiliary (CAA) na bahagi ng Delta Company ng Mabalasik Battalion ang nagsasagawa ng Long Range Patrol (LRP) at implementasyon ng Oplan Ultimatum ng 103 Infantry Battalion, nang natuklasan ang mga materyales pandigma at mga personal na gamit ng mga rebelde.

Kabilang sa mga narekober na kagamitan ang daan-daang piraso ng live ammunition para sa Cal.45 pistol, isang Improvised Explosive Device (IED), at iba pang mga gamit ng NPA.

Ang paunang imbestigasyon ay nagsiwalat na ang lugar ay dating ginamit bilang kampo ng mga miyembro ng WKLG Baggas na nakatalaga sa Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC) ng NPA noong 2022.

Patuloy ang pamahalaan sa pagsiguro ng kaligtasan ng publiko at tuldukan ang insurhensya at terorismo dala ng rebeldeng komunistang grupo na NPA na hadlang sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa ating inang bayan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles