14.6 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Pamimigay ng tulong pang-edukasyon, isinagawa sa Pampanga

Higit 1,128 na mag-aaral ang nakatanggap ng tulong pang-edukasyon sa pamamagitan ng programang “Tulong Dunong Program” ng Commission on Higher Education (CHED) sa bayan ng Pampanga nito lamang ika-5 ng Nobyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay hatid ng Commission on Higher Education katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga na pinangunahan nina Gobernador Dennis “Delta” Pineda at Bise Gobernador Lilia “Nanay” Pineda, kasama ang mga Board Members na sina Fritzie David-Dizon, Sajid Khan Eusoof, Atty. Claire Lim, JC Cruz, at Jasmine Cordero, Officer-in-Charge ng Provincial Library ang pamamahagi ng tulong para sa mga benepisyaryo na nakatanggap ng tulong pinansyal.

Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ay ang mga mag-aaral mula sa Guagua National College (497), Mary the Queen College (268), at Sta Rita College (358).

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig Php7,500.00 bilang tulong pang-edukasyon.

Ang mga kabataang Kapampangan ay katuwang ng pamahalaan sa pagtamo ng kanilang mga pangarap sa buhay.

Sa pamamagitan ng programang ito, nais ng pamahalaan na mabawasan ang mga hadlang na dulot ng kakulangan sa pondo at mabigyan ng pantay-pantay na pagkakataon ang bawat kabataan na makamtan ang kanilang mga pangarap.

Bukod dito, ang tulong ay naglalayong magtaguyod ng mas malawak na pag-unlad sa komunidad, dahil ang mga kabataang makikinabang mula rito ay magiging mga responsableng mamamayan na may kakayahan at kaalaman upang mag-ambag sa paglago at pag-unlad ng buong lalawigan ng Pampanga.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles