Namahagi ng mga gamit pang-eskwela ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City para sa mga mag-aaral ng Lourdes Northwest Elementary School ng Angeles City nito lamang Martes, ika- 22 ng Oktubre 2024.
Ang naturang tulong na pinangunahan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City, katuwang ang iba pang lokal na opisyales ng naturang bayan.
Kabuuang 2,075 estudyante mula sa nasabing paaralan ang nakatanggap ng libreng bag, sapatos, medyas, t-shirts, at iba pang kagamitang pang-eskwela.
Naghatid ng tuwa at sigla sa mga bata ang tulong mula sa lokal na pamahalaan na makatutulong sa kanilang pag-aaral at araw-araw na pangangailangan. Patunay lamang na ang Local Government Unit ng Angeles City ay patuloy sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo para sa magandang kinabukasan ng kanilang nasasakupan.